^

Punto Mo

Minero sa Tanzania, instant milyonaryo dahil sa dalawang pambihirang bato

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG small-scale na minero sa Tanzania ang biglang naging multi-millionaire matapos niyang matagpuan ang dalawang mala­laking piraso ng pambihirang bato.

Natagpuan ng 52-anyos na si Saniniu Kuryan Laizer ang dala­wang piraso ng tanzanite ores na pawang may timbang na 9.25 at 5.1 kilos. Naga­wang maibenta ni Laizer sa gobyerno ang mga bato sa halagang 7.7 bil­lion Tanzanian shillings (katumbas ng humigit-kumulang P152 milyon).

Unang natagpuan sa Tanzania ang tanzanite noong 1967 at simula noon ay hinahanap-hanap na ito ng mga mag-aalahas dahil sa pambihira nitong kinang na kulay violet-blue. Tanging sa Tanzania lamang matatagpuan ang nasabing bato.

Ang dalawang piraso raw ni Laizer ang pawang pinakamalalaking tanzanite ores na natagpuan mula nang madiskubre ang bato, ayon sa minister of mining ng Tanzania na si Dotto Biteko.

Balak ni Laizer na magtayo ng mall at eskuwelahan sa kanilang lugar mula sa napagbentahan ng pambihirang bato.

MINERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with