^

Punto Mo

‘Friend’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

FRIEND lang ang gusto ko. Ayaw ko ng best friend. Kapag nilalagyan ng “best” ang relasyon sa kaibigan, nagiging “feel at home” sila sa akin. Ang feeling na ito ang nagiging tulay para ako utangan nang walang bayaran, o kaya ay kainggitan na nagiging ugat para ako siraan.

Mas maganda kung friend lang. Kahit walang usapan, nagkakaunawaan na kami kung hanggang saan ang boundaries. ‘Yun bang may “kahihiyan” pa rin namamagitan sa aming relasyon. Ang taong may hiya sa pagkatao ay malamang na may dignidad. At ang mga taong may dignidad ay nagbabayad kapag nangutang at hindi marunong mainggit dahil bilib siya sa sariling kakayahan.

May kakilala ako na pagkatapos ng maraming taon na pakikisama sa kanyang tatlong kaibigan, bigla niyang nalaman ang isang masakit na katotohanan: lagi pala siyang pinipintasan ng mga itinuring niyang kaibigan. All those years, ang akala niya ay smooth lang ang relasyon nilang apat, HINDI PALA.

Sa kanilang apat, siya lang ang may malaking kinikita. May sarili siyang negosyo. Ang mga kaibigan niya ay mga pangkaraniwang empleyado lang samantalang ang iba ay plain housewives. May hinala siya na inggit ang puno’t dulo ng lahat.

Kaya ayaw ko ng best friend, magiging pamilyar kami sa isa’t isa. Tapos habang tumatagal, magkakabistuhan ng kanya-kanyang masamang ugaling, kaya ang epekto ay away. Sana sa halip na “Over familiarity breeds contempt” palitan na lang natin ng “Over familiarity breeds love and admiration”. Mangyayari lang ito kung ang tutuklasin natin sa isang kaibigan ay ang kanyang good qualities.

Subalit ang malungkot, nagkakatotoo lang ito kapag nakaburol na ang isang tao at magsasalita ang kanyang mga kaibigan sa oras ng kanyang Eulogy. Kung kailan patay na, saka lang maaalaala ng kanyang mga kaibigan ang magaganda niyang katangian.

FRIEND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with