^

Punto Mo

Rep. Art Yap sa Comelec-Bohol

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

PINAMAMADALI ni House Deputy Speaker Art Yap, na governatorial candidate sa Bohol ang Comelec na tapusin na ang pagbibilang sa huling 8 cluster precincts sa probinsiya mula sa bayan ng Tubigon, Sagbayan at Panglao.

Sabi nga, huwag ng patumpik-tumpik ang Comelec!

Ayon sa Comelec may mga depektibong SD cards na kailangan ng transmittal of data sa national level. Sinasabi pa ng Comelec Bohol na ang SD cards ay manggagaling pa raw sa Cebu.

Mukhang pakaang-kaang ang mga taga-Comelec samantala ang Cebu ay napakalapit lamang sa Bohol bakit pa nila pinapatagal ang SD cards na dalhin sa probinsiya?

Parang may gustong gumawa ng ‘magic’ dito para hadlangan ang boto ng mga botante sa nasabing mga bayan sa Bohol?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi nga, pangatlong araw nang inaantay ng Comelec - Bohol ang SD cards mula sa Cebu.

Ano ba ito?

Birada ni Yap, dapat tapusin ng Comelec ang bilangan at itigil ang anumang delays para lamang antalahin ang pagbibilang sa provincial level na mga candidates.

Nanawagan si Yap, sa mga kababayan nitong mga Boholanos na bantayan ang mga balota at yugyugin ang Comelec na umpisahan na nila ang pagbibilang ng boto at matapos na ang isyung ito.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

• • • • • •

Magkano ang payola

Yesterday, umikot-ikot tayo sa may Blumentritt, Oroquita at kalapit bisinidad dyan sa Sta. Cruz.

Ang dumi pala dito?

Mukhang walang ginawa ang dating administrasyon para linisin ang lugar na ito dahil sangdamakmak ang vendors na nasa gitna ng kalsada dahil isinara nila ang mga kalye dito na puede sanang madaanan ng mga tsikot, nagkalat na basura at ang baho.

Mga sasakyang nakabalagbag sa kalye ganoon din ang mga pedicab at tricycle.

Ito ang dapat unahin linisin ng nanalong alkalde ng Maynila sa pag-upo nito sa June 1.

Paluwagin ang kalye, ilagay sa ayos ang mga vendors na pinapatungan ng mga pulis at mga siga sa nasabing lugar?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nakakabuwisit ang lugar siempre ang mga taga - rito na nakikinabang ay gustong-gusto ang mga nangyayari pero paano ang mga dayo sa lugar?

Ano sa palagay mo Isko?

Masahol pa sa Divisoria ang dumi sa Blumentritt?

Sa Divisioria kahit papaano ay medyo maayos pero dahil sa P6 million weekly payola ay mukhang bumabalik na naman ang kasalulaan ng mga kamote dito.

Abangan.

ART YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with