Hindi na dapat pinatulan si Trillanes
TILA nakaiskor si Sen. Antonio Trillanes matapos ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon.
Ito ay kaugnay ng pagsipot ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nito na si Atty. Mans Carpio.
Bagamat nakakatawa ang hirit ni Trillanes sa umano’y tattoo sa likod na ebidensiya na miyembro ng triad.
Pero magkakaroon dito ng persepsiyon ang publiko na bakit hindi pa pumayag si Vice Mayor Duterte na ipakita ang likod upang agad na mapabulaanan ang alegasyon ng Senador.
Magandang pagkakataon sana na pahiyain ang Vice Mayor sa akusasyon ni Trillanes.
Kung nakita kasi ng publiko na mali ang akusasyon ni Trillanes ay agad na guguho ang kredibilidad ng senador.
Sa mga susunod pang akusasyon ni Trillanes ay mawawala ng saysay na ito at lalong magiging katawa-tawa.
Pero kung hindi na lang pinatulan ng mga Duterte si Trillanes at hindi na sumipot sa Senate hearing ay maaring hindi na lalawak ang usapin.
Bagama’t may legal at karapatan ang isang tao sa privacy, mas mainam pa rin na harap-harapan na pabulaanan at mapasinungalingan ang mga akusasyon at magmumukhang katawa-tawa ang nag-aakusa.
- Latest