^

Punto Mo

Magsosoli ng ninakaw, dapat may parusa

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MARAMING nakakulong ngayon dahil lang sa pagnanakaw ng pagkain o maliit na halaga sa palengke o sa department store.

Hindi nga aabot sa milyong halaga ang mga ninakaw pero nakakulong at dahil sa walang pera pang piyansa ay nananatiling nasa bilangguan.

Sa Batangas kung ating matatandaan ay mayroong nagnakaw ng isdang tuyo pero ito ay ipinarada sa bayan at ipinangalandakan sa publiko ang nagawang kasalanan.

Pero kung ang bilyong piso ang ninakaw sa kaban ng bayan ay hindi maaring basta maisoli lang ang pera ay tapos na ang usapan.

Mismong si Pres. Rodrigo Duterte ang nag anunsiyo na ang pamilya Marcos ay handang magsoli ng kayamanan at ilang gold bars sa gobyerno.

Ito ay bahagi ng mga kuwestiyonableng kayamanan o umanoy nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Pero kung totoong magsasauli ang pamilya Marcos ng kayamanan ay isa itong lantarang pag-amin na sila nga ay nagnakaw sa kaban ng bayan na dapat ay may managot sa kanilang pamilya.

Kung hindi man makulong dahil magkakaroon ng kasunduan ay dapat lahat ng kanilang kayamanan ay bawiin ng gobyerno.

Ayon nga kay House Speaker Pantaleon Alavarez, dapat isoli ang lahat ng kayamanan ng pamilya Marcos at hindi kakarampot lamang.

Iba talaga sa Pilipinas na ang mga nagnanakaw ng milyun-milyon hanggang bilyong piso ay tila naproprotektahan pa ng batas at maaring makahingi pa ng kondisyon sa gobyerno na isang kahayagan na dehado talaga ang mga mahihirap kahit sa paggawa ng kasalanan o paglabag sa batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with