^

Punto Mo

Sir Juan (57)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT napapangiti ka Nectar?’’ tanong ni Sir Juan.

Napapitlag si Nectar sa tanong. Nakalimot siya na nasa harap pa pala niya si Sir Juan.

‘‘Wala po. May naisip lang akong nakakatawa.’’

‘‘Ah ganun ba? Sige Nectar maiwan na kita. Mayron pa akong gagawin sa opisina.’’

‘‘Sige po Sir Juan.’’

Nang makalayo si Sir Juan ay agad nagtungo sa laundry room si Nectar. Ti-tingnan niya kung naroon na si Mahinhin. Siya na mismo ang magpapakita rito ng mga malalaswang pictures na kinuha sa KOLEHIYALA. Hindi na niya hihintayin si Sir Juan na gumawa ng hakbang. Halatang-halata si Sir Juan na hindi makagawa ng hakbang kay Mahinhin. Dahil siguro may lihim siyang pagkagusto sa babaing iyon. Hindi pa nga ito lubos na naniniwala na si Mahinhin ang hubo’t hubad na nagsasayaw. Parang hindi raw si Mahinhin ang babaing nasa pictures. Nabubulagan pa si Sir Juan.

Pero sa gagawin niyang ito ngayon, tiyak na matatauhan na si Sir Juan. Siya na ang magpapakita ng pictures kay Mahinhin.

Pero wala pang tao sa laundry room. Wala pa si Mahinhin. Bakit kaya? Baka napuyat nang todo sa pagsasayaw sa KOLEHIYALA. Baka pinagkaguluhan dahil ito raw ang star ng KOLEHIYA. Malakas daw ang KOLEHIYALA dahil sa ginagawa ni Mahinhin. Dumadagsa raw ang mga foreigners gabi-gabi partikular ang mga Koreano at Hapones. Gusto nilang makita ang pag-perform ni Mahinhin. Kapag natutuwa raw ang mga Koreano at Hapones ay malakas mag-tip.

Nagbalik si Nectar sa ka­nilang kuwarto at nahiga. After one hour ay muli siyang magtutungo sa laundry room para tingnan si Mahinhin. Kailangang maisagawa niya ang plano kay Mahinhin para mapuwersa na si Sir Juan na mapaaalis na ito sa boarding house.

Bumangon siya makaraan ang isang oras at tinungo ang laundry room.

Napangiti siya sapagkat naroon na si Mahinhin at busy sa paglalaba gamit ang washing machine.

Lumapit siya.

Lumingon si Mahinhin.

Nag-good morning ito sa kanya pero hindi niya pinansin. Sa halip inilabas niya ang cell phone at binuksan.

“Kilala mo ba kung sino ito?’’ Sabi sabay pakita kay Mahinhin ng mga pictures.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HAPONES

JUAN

KOREANO

MAHINHIN

PERO

SIGE NECTAR

SIR

SIR JUAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with