^

Punto Mo

Sampaguita (183)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI ko maintindihan, Kumpadre,” sabi ni Don Avelino. “Aling lupa ang sinasabi mo?’’

“Ang lupa mo sa Bgy. Susong Dalaga.’’

Nag-isip si Don Avelino. Para bang hinagilap pa sa isip kung saan ang Bgy. Susong Dalaga.

“Ah, oo, naalala ko na. Ang 20-ektaryang lupa ko sa Susong Dalaga ang sinasabi mo. Paano mo nalaman na sa akin ang lupaing iyon?’’

“Dahil sa aking mga kaibigan na nakatira sa lugar na iyon. Nasabi sa akin ang may-ari ay isang taga-San Pablo. At nang itanong ko ang pangalan, sinabi ngang ikaw ang may-ari.’’

“Bakit naman sa liblib mo pa naisipang bumili. Why not dito sa Metro Manila. Mayroon akong ibibigay sa’yo at bibigyan kita ng presyong kaibigan.’’

Napangiti si Sir Manuel.

“Mas gusto ko sa Susong Dalaga, Avelino. Napakaganda ng lupain mo. Walang makakatulad.”

Nagtawa si Don Avelino. Hindi makapaniwala.

“Hindi ko alam kung bakit nagustuhan mo ang lupa kong iyon, Kumpadre. Alam mo bang marami nang tumanggi sa lupain kong iyon dahil nga malayo sa bayan at wala pang magandang kalsada.’’

“Kung ipagbibili mo sa akin, mapapaganda ko ang lugar. Sinisigurado ko.’’

Nagtawa si Don Avelino. Parang ayaw maniwala sa kaibigan.

“Ipagbili mo na sa akin, Ave­lino. Kahit magkano, ba­bayaran ko.’’

Nagtawa uli si Don Avelino.

“Sige na nga. Ibebenta ko na sa’yo!’’

“Magkano, Avelino.’’

“Presyong kaibigan.’’

“Magkano nga, Avelino.’’

“A saka na natin pag-usa­pan ‘yan. Sa iyo na ang lupang ‘yun at gawin mo ang gusto mo. Bahala ka na.’’

Hindi makapaniwala si Sir Manuel.

Naging masaya pa ang pag-uusap ng magkaibigan. Inabot sila ng madaling- araw sa pagkukuwentuhan.

SUMUNOD na araw, sinabi ni Sir Manuel kina Sam at Ram na nakuha na niya ang lupa ni Don Avelino.

Tuwang-tuwa sina Sam at Ram.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

AVELINO

BGY

DON AVELINO

KUMPADRE

MAGKANO

METRO MANILA

NAGTAWA

SIR MANUEL

SUSONG DALAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with