^

Punto Mo

Lalaking walang binti, naakyat ang pinakamataas na bundok sa Africa

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG Mount Kilimanjaro ang pinakamataas na bundok sa Africa kaya naman hindi biro ang pag-akyat sa tuktok nito kahit pa para sa mga eksperto na sa mountaineering.

Ngunit hindi naman naging balakid kay Spencer West  ang taas ng Mount Kilimanjaro para marating niya ang tuktok nito.

Ito ay sa kabila ng kapansanan ng 31-anyos na taga-Toronto, Canada na simula pagkabata ay wala nang mga binti. Ipinanganak kasi si West na may sakit na sacral agenesis na sanhi ng pagkakaroon ng diperensiya ng kanyang spinal column­. Nagdulot ito ng pagkalumpo kaya kalaunan ay ipina­putol na lamang niya ang kanyang mga binti.

Isang taong pinaghandaan ni West ang pag-akyat sa pinakatuktok ng pinakamataas na bundok sa Africa. Dapat sana ay sasakay siya sa isang wheelchair ngunit masyadong mabato ang daan paakyat kaya minabuti na lang niyang akyatin ang Mount Kilimanjaro gamit ang kanyang mga kamay. Kaya naman duguan at puro pasa ang kamay ni West nang marating nila ang tuktok ng bundok matapos ang isang linggong paglalakbay.

Sa pag-akyat niya sa tuktok ng pinakamataas na bundok sa Africa ay pinatunayan ni West na mali ang mga doktor at dalubhasang nagsabi sa kanya noong bata pa siya na wala siyang magiging silbi sa lipunan. Nagawa niya kasing mangalap ng £300,000 (P21 milyon) para sa mga naghihirap sa Africa bilang kapalit ng ginawa niyang pag-akyat sa Mount Kilimanjaro.

ACIRC

ANG

DAPAT

IPINANGANAK

ISANG

ITO

KAYA

MGA

MOUNT KILIMANJARO

NAGAWA

SPENCER WEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with