^

Punto Mo

Bakit madaling mahalin si Pope Francis?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

18 Kahanga-hangang Bagay na ginawa ni Pope Francis:

Kumpara sa mga naunang Papa, mas pinili ni Pope Francis na ituloy ang kanyang nakasanayang simpleng pamumuhay at tinanggihan ang marangyang pamumuhay na ipinagkakaloob sa bawat nahirang na Papa. Marami sa mga tradisyon ang “pinutol” niya: pagtira sa Papal palace at pagsusuot ng red Prada shoes. Simpleng black leather shoes lang ang isinusuot niya.  Sa Domus Sanctae Marthae guesthouse lang siya nakatira at hindi sa papal apartments of the Apostolic Palace, ang tinirhan ng mga nakaraang papa.

Inutusan niya ang kanyang staff sa Vatican na regular bisitahin ang mga matatanda at maysakit.

May nagregalo kay Pope Francis ng dalawang mamaha-ling Harley-Davidson motorbike upang gamitin sa malalapit niyang biyahe sa paligid ng Vatican. Ang isa ay ipinasubasta niya at ang napagbentahan ay ginamit para makapagtayo ng soup kitchen sa Rome.

Naniniwala siya na hindi dapat makialam ang Simbahan sa buhay ng mga tomboy at bakla. Sabi niya, “If someone is gay and he searches for the Lord, and has good wil, who am I to judge?

Nagdaos siya ng Misa sa chapel ng isang kulungan sa Rome kung saan ang mga offenders ay mga kabataang naligaw ng landas. Naganap ang misa noong 2013 Holy Thursday. Isinagawa ang re-enactment ng paghugas at paghalik ni Hesus sa paa ng kanyang mga apostoles. Labindalawang kabataang preso ang gumanap na 12 Apostoles ni Hesus. Isa-isang hinalikan ni Pope Francis ang paa ng mga preso. Importante kay Pope Francis ang seremonyang iyon upang maipakita na ang pinakamataas na pinuno ay dapat na magserbisyo sa kanyang nasasakupan. Itutuloy

APOSTOLES

APOSTOLIC PALACE

BAGAY

DOMUS SANCTAE MARTHAE

HARLEY-DAVIDSON

HESUS

HOLY THURSDAY

INUTUSAN

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with