^

Punto Mo

9-Anyos na bata sa Florida, nakaligtas matapos makipaglaban sa buwaya!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 9-anyos na batang lalaki ang nakaligtas matapos makipagbuno sa isang buwaya na may habang siyam na talampakan sa isang lawa sa Florida.

Ayon sa bata, na kinilalang si James Barney, nagbibisikleta siya nang maisipang maligo sa isang lawa na hindi bukas sa publiko. Naliligo na siya sa tubig nang maramdamang may bumabangga sa kanya.

Akala niya ay may ibang manla­langoy lang na nagbibiro sa kanya pero ang bumabangga na pala sa kanya ay isang buwaya na nakahanda na siyang sakmalin.

Nalaman niyang buwaya nang hawakan niya ito at maramdaman ang pangil at magaspang na balat nito. Kahit nagulat, agad pa ring nakakilos si James at pinagsusuntok ang buwaya. Nakagat siya sa puwit.

Kahit may sugat, mabilis siyang nakatakbo papunta sa pampang. Hanggang may sumaklolo sa kanya at dinala siya sa ospital.

Tinahi ang kanyang sugat sa puwit.

Nasa maayos na kondisyon si James at ayon sa mga doktor, makakauwi na siya mula sa ospital sa lalong madaling panahon.

Lubos na nagpapasalamat sa Diyos ang ama ni James na walang malubhang nangyari sa kanyang anak.

 

vuukle comment

AYON

DIYOS

HANGGANG

JAMES BARNEY

KAHIT

LUBOS

NAKAGAT

NALAMAN

NALILIGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with