Ang Chinese na unang nakaisip ng rocket
ISANG Chinese official ng Ming Dynasty umano ang unang nakaisip umimbento ng rocket para makapunta sa outer space. Pinaniniwalaang si Wan Hu na nabuhay noong 16th century ang nagpasimula sa ideya ng rocket at ganundin ng fireworks technology.
Unang ginawa ni Wan Hu ay isang matibay na upuan. Nilagyan niya ito ito ng 47 rockets. Nakakabit ang 47 rockets sa ilalim ng upuan. Tinawag niya itong Rocket Chair.
Sa araw nang paglulunsad ng Rocket Chair, nagsuot nang magara si Wan Hu. Pagkaraan ay sumampa sa Rocket Chair at naupo roon.
Nasa paligid naman ng Rocket Chair ang 47 alipin na magsisindi sa mitsa ng mga rocket.
Sa hudyat ni Wan Hu, sabay-sabay na sinindihan ng 47 alipin ang 47 rockets. Pagkaraang sindihan, nagsitakbuhan ang mga alipin para magtago.
Nagkaroon ng pagsabog. Nang mahawi ang usok, wala na si Wan Hu at wala na rin ang Rocket Chair. Hindi na umano nakita si Wan Hu mula noon.
Sa isang artikulo na nalathala sa ScienÂtific American, sinasabi naman na isinakripisyo si Wan Hu sa kauna-unahang pagpapalipad ng rocket. Makaraang maupo ay sinindihan ang mga rocket subalit sa halip na lumipad ay sumabog nga iyon at nasunog si Wan Hu. Namatay siya.
- Latest