Kung iisipin…
— tama lang na makilala muna natin si “Mr/Miss Wrong†para kapag dumating sa ating buhay si “Mr/Miss Rightâ€, kabisadong-kabisado natin na siya na nga ‘yun.
— kapag pinagsarhan tayo ng pintuan ng oportunidad, totoong may nabubuksang ibang pintuan o bintana. Ngunit sa sobrang pagkabigo at kalungkutan, ang nakasarang pintuan na lang ang ating tinititigan kaya hindi napapansin ang matagal nang nakabukas na pintuan at bintana.
— dapat lang nating ilagay ang ating sarili sa kalagayan ng ibang tao para alam natin ang mga bagay na makakasakit sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi mo na gugustuhin pang makasakit ng kapwa.
— tama lang na huwag umasa na mamahalin ka rin ng taong minamahal mo. Ang tunay na pagmamahal ay hindi naghihintay ng kapalit. Kung sa kabila ng iyong pagmamahal ay wala pa ring tumubong pagmamahal sa kanyang puso, at least, bonggang-bongga ang pagtubo ng pag-ibig sa iyong puso.
— dapat lang na mag-isip ng sampung beses bago isiwalat ang iyong sama ng loob sa isang tao. Mas madalas na away lang ang ibubunga nito kaysa pagkakaunawaan. Likas sa tao na idipensa ang sarili kaysa aminin na mali siya.
— dapat lang na maging mabuti ka sa lahat ng tao habang nabubuhay ka sa mundong ito para kapag pumanaw ka, maÂraming malulungkot at luluha. Noong isinilang ka ay ikaw ang umiiyak habang nakangiti ang lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo. Kapag pumanaw ka, ang mga taong nakapaligid naman sa iyo ang lumuluha habang ikaw ay nakangiting nakatanaw sa kanila.
- Latest