^

Punto Mo

Mayang (199)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“MATAGAL din bago ko natanggap ang pagkamatay ni Encar,’’ sabi ni Lolo Nado.

“Mga gaano po katagal, Lolo?”

“Mga limang taon din.”

“Ano po ang ginawa mo para makalimot?”

“Dahil magulo ang pagpapasya ko noon, ibinenta ko ang lupa na kinatitirikan ng bahay—isang ektarya. Ang kalahating ektaryang natitira ibinigay ko kina Raul at Lily. Lumayo ako. Napadpad ako sa barangay n’yo at nakilala ko ang iyong ama at ina. Mabababait sila. Inalok ako na maging katiwala ng lupa n’yo. Nung una ay ayaw ko dahil wala na nga akong pag-asa—kung maari ay ayaw ko nang magtrabaho at magpalabuy-laboy na lang.

“Pero dahil mabait ang iyong mga magulang, Mayang, napapayag ako. Binantayan ko ang lupa n’yo. Hanggang sa ako na ang nakatira sa inyong bahay. Nang mamatay ang iyong mga magulang, aalis na sana ako pero hindi ko ginawa dahil sinabi noong ng iyong tatay sa akin, huwag ko raw pababayaan ang lupa. Nag-iisa raw ang kanilang anak at babae pa kaya kung maari manatili ako roon hanggang wakas. Huwag daw kitang pababayaan, Mayang.”

“Kaya po pala ang sabi nina tatay at inay sa akin noon, ikaw daw po ang tatayong ikalawang magulang ko.”

Napatango si Lolo Nado. (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with