^

Punto Mo

Lalaki na tagaluto ng pizza, naging model sa paris matapos ma-discover sa pizzeria!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MULA sa paggawa ng pizza sa isang pizzeria sa Lower East Side ng New York, biglang pumasok si Christiano Wennmann sa mundo ng high fashion matapos mapansin ng assistant ng designer na si Willy Chavarria.

Si Wennmann, 24, ay nagtatrabaho noon sa Scarr’s Pizza nang ­madiskubre siya ng team ni Chavarria ilang linggo bago ang Paris Fashion Week. Inimbitahan siyang lumahok bilang modelo para sa underwear collection ng brand, isang pagkakataong hindi niya inaasahan ngunit agad niyang tinanggap.

“Habang nasa shoot ako, sinabi nilang, ‘Hindi ko alam kung bakit ngayon ka lang namin nakita,’” ani Wennmann sa isang panayam. “Pagkatapos, niyaya na nila akong lumipad pa-Paris.”

Sa kabila ng kakulangan sa karanasan sa modeling, ­naging matagumpay ang debut ni Wennmann sa Paris Fashion Week. Malaki ang naging papel ng suporta mula kay Chavarria at ng kanyang team sa pagbibigay ng kumpiyansa sa baguhang modelo. Mismong si Chavarria ang nagsabing, “You’re already a star.”

Matapos ang matagumpay na pagrampa sa Paris, agad siyang pumirma sa isang ­kilalang modeling agency. Naging bahagi rin siya ng mga proyekto ng iba pang designers tulad ni Sami Miro, at lumabas sa mga fashion publication gaya ng HERO at Dazed.

Sa kabila ng mabilis na pag-angat sa industriya, nananatiling grounded si ­Wennmann. Patuloy pa rin siyang nagtatrabaho sa Scarr’s Pizza at hindi pa nagpaplanong iwan ang kanyang dating trabaho.

“May mga customer na nagtatanong kung ako nga ‘yung pumunta sa Paris,” aniya. “Pero andito pa rin ako. Gumagawa ng pizza. Mahalaga sa akin na manatiling totoo sa sarili at hindi makalimot kung saan ako nagsimula.”

Ang kuwento ni Christiano Wennmann ay isang halimbawa ng biglaang pagbabago ng kapalaran sa hindi inaasahang pagkakataon, isang paalala na ang talento at potensyal ay maaaring matuklasan saanman, kahit sa likod ng isang pizza counter.

PIZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with