Lampong (442)
PINAGMASDAN ni Dick ang mga dumalagang itik sa malawak na kulungan. Ang mga dumalagang ito ang mag-aakyat muli nang maraming pera sa kanila. Kung kinasabikan ang mga naunang itik, mas lalo pa ngayon.
Muli niyang patutukain ang mga itik ng bunga ng uloy. Ang uloy ay kahawig ng kamansi na mayroong maliliit na buto. Ang buto ang paboritong kainin ng mga itik lalo na sa panahong ito ay lumalaki. Ang mga buto ng uloy ay walang ipinagkaiba sa butil ng mani. Ang buto ang nagbibigay ng linamnam sa karne ng itik. Nagiging juicy at malambot ang karÂneng itik dahil sa buto ng uloy. Mas maraming buto ng uloy ang makain ng mga itik, mas maganda. Ang mga dumalaga ang kanyang inihahanda sa INASALITIK.
Pinagmasdan muli ni Dick ang maraming itik. Bukas o makalawa, sasabihin niya kay Mulong na pakawalan ang mga itik at itaboy sa mga puno ng uloy para makatuka na ang mga ito.
Pagkaraang mabisita ang lahat ng kulungan ganundin ang mga bagong pisang itik, ipinasya ni Dick na bisitahin ang mga puno ng uloy sa di-kalayuan. Ang alam niya, hinog na ang mga uloy at babagsak na ang mga ito.
Tama ang kanyang hula, mga hinog na ang uloy. Madidilaw na. Nasa 100 puno ng uloy ang nakatanim sa kaparangang iyon. Dito dadalhin ni Mulong ang mga dumalaga. Tiyak na mag-aagawan sa pagtuka ang mga dumalaga.
MAKALIPAS pa ang isang buwan, tuwang-tuwa si Mulong nang lumapit kay Dick.
“Nariyan na ang mga namamakyaw ng itik. Kukunin na raw nila lahat, Dick.â€
“O sige. Basta ba magkakasundo sa presyo.’’
“Hindi na tumawad sa binigay kong presyo. Papakyawin na raw nila lahat.’’
“Aba e sige. Marami pa naman tayong palalakihin di ba?’’
“Oo Dick.â€
“Sige ipapakyaw mo na Mulong.’’
Tumalima si Mulong.
Nakangiti si Dick. Nag-uumpisa na ang paglago ng negosyo.
(Itutuloy)
- Latest