Kim binira ang mga nang-iintriga sa kanilang kawanggawa!
Pinutakti na naman ng tanong si Kim Chiu tungkol sa kanila ni Xian Lim sa solo presscon niya last Tuesday night para sa Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay.
Pero nag-level-up na ng isang baytang ang mga sagot ni Kim dahil tulad nang kinumpirma nila ni Xian sa Kris TV, inamin niya sa entertainment press na puwede na silang tawaging “exclusively daÂting.â€
Wala naman daw ibang guys na malapit sa kanya ngayon kundi si Xian lang at wala ring ibang nanliligaw.
“Wala po. Thank you kay Xian,†nataÂtawa niyang sabi.
Happy ba siya na walang ibang nanliligaw?
“Siyempre, iba rin ang pakiramdam ng babae kapag nililigawan. Nakakahaba ng hair,†she said.
Nami-miss na ba niya ang magkaroon ng boyfriend?
“Oo naman, it takes time to know one para mas tumagal ang relationship kasi kapag mabilisan, ganu’n din, mabilisan (matapos), para ka lang nagpalit ng damit.â€
Pero aminado naman ang young actress na ready na siyang magka-boyfriend ulit.
“Oo naman, sa edad ko naman pong ito,†aniya.
Samantala, natanong kay Kim ang tungkol sa pang-iintriga ng ilang mga netizens sa pagtulong ng mga artista sa mga nasalanta ng bagyo nitong nakaraang linggo. May mga nagkomento kasi sa Instagram na kaya lang daw tumutulong ang mga artista ay dahil gusto ng publicity. Ano ang masasabi ng young actress tungkol dito?
“Hindi, eh. Siguro sa aming mga artista, it’s a way of telling the people na ‘tumulong din kayo.†Sa social media like Instagram, marami kaming mga followers and ‘yung mga followers na ‘yun, siyempre, ‘yung iba du’n, bashers, ‘yung iba du’n, parang na-inspire mo na tumulong din sila.â€
Nitong nakaraang bagyong Maring at habagat, isa si Kim sa mga celebrities na tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at pagre-repack nito para sa mga nasalanta ng baha.
“Nagbigay kami ng mga tubig at saka mga ready to eat food sa mga nasalanta saka sa mga evacuation center and ang sarap ng pakiramdam na makatulong ka sa mga kababayan mo kasi kaysa humiga ka lang sa bahay mo or magpahinga ka, manood ng TV, kumain, gawaing baboy ‘yung kain-tulog, siyempre, nakakakonsensiya rin ‘yung feeling na may pera ka naman para tumulong, bakit hindi mo magawa?â€
Sa mga namba-bash sa Internet sa ginagawang pagtulong ng mga artista, ito lang ang mensahe ni Kim:
“Sila ‘yung mga taong, walang magawa sa buhay, walang magawa kundi matulog lang at kumain at bash nang bash kasi bored sila sa buhay nila. SiguÂro, wala silang TV, brown-out sa kanila nang araw na ‘yun, bash lang sila nang bash.
“Tumulong na lang sila kaysa magsalita sila nang magsalita.â€
Samantala, si Kim ang featured star sa Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay na magsisimula na sa Sept. 7 at makakasama niya dito sina Angel Aquino, John ‘Sweet’ Lapus, Sharmaine Buencamino, Miguel Vergara, Arnold Reyes, and Simon Ibarra mula sa direksyon ni Jerry Sineneng.
Pilot ng GTB, tagumpay
Tagumpay ang pilot episode ng Got to Believe na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla last Monday night dahil base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ito ng 34% national TV rating against Mundo Mo’y Akin na nakakuha naman ng 16.1%.
Naging worldwide trending topics rin sa microblogging site na Twitter ang iba’t ibang hashtags na may kaugnayan sa serye.
Bagama’t sa pilot ay wala pa sina Kathryn and Daniel, nakakaaliw ang kuwento ng mga magulang nila na sina Manilyn Reyes, Ian Veneracion, Benjie Paras, at Carmina Villaroel.
Itinampok sa pilot episode ang love triangle na nabuo sa magkasinÂtahang sina Jaime (Ian) at Betchay (Manilyn), at sa boss ni Jaime na si Julianna (Carmina).
- Latest