Pasay police di-makagalaw dahil kay Alan Espeleta
NAGNGINGITNGIT sa galit si NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. sa pagkadawit ng pangalan niya sa pasugalan ng isang Boy Yasay sa Pasay City. Tumawag si Garbo sa akin mga kosa at tahasang sinabi na seryoso siya sa pagpapatupad ng “no take†policy sa pasugalan. Wala umanong iitsa-puwera sa kampanya laban sa pasugalan maging sinuman siya. Si Yasay at mga kasosyong sina Lito Ocampo at Prince na pamangkin umano ni Pasay City Mayor Tony Calixto, ang nabigyan ng prangkisa ng huli para patakbuhin ang mga pasugalan sa “Sin Cityâ€. Ayon kay Garbo, hindi totoo na may kumpare siya sa tropa ni Yasay at dapat sana tumawag ako sa kanya para kumpirmahin kung totoo ito. He-he-he! Nagyabang lang pala ang kampo ni Yasay at may punto si Garbo, di ba mga kosa?
Napatunayan ko naman na hindi totoo ang pagyayabang ng kampo ni Yasay dahil tumigil sa operation nila ang mga puwesto sa De las Alas, Palengke, Leveriza at Dolores. Kung talagang ayos na sila sa NCRPO, di ba dapat tuloy-tuloy ang ligaya nila? Pero tuloy ang bookies ng karera sa OTB station na sa likod mismo ng PCP3 at maging sa Taft Ave., malapit sa LRT sa Buendia. Ang mga malalaking kubrador ni Yasay ay sina Roger ng Dolores St. sa may sabungan, Romy ng Facundo, Jing ng Maricaban, Aling Che na asawa ng isang pulis, Ronald Labo sa may post office, Logie ng Edang, Dennis ng Nichols, Ruben sa Salud, at Joan ng Merville. Kinakapa pa ng mga kosa ko ang tumpak na address ng mga kabohan ni Yasay para giyahan ang mga tauhan ni Garbo at ni CIDG chief Dir. Frank Uyami Jr. para masalakay ang mga ito. Kapag nahulihan naman, tiyak kayang sanggahin ni alyas Moti, ang nasa likod ng lahat ng ilegal na sindikato sa Pasay City, ang mga ito sa piskalya, di ba mga kosa? He-he-he! Kanya-kanyang kapit lang ‘yan!
At hindi rin makagalaw ang pulisya ng Pasay dahil ayos na sila kay Alan Espeleta, ang kolektor umano ni Sr. Supt. Rudy Llorca. Ano ba ‘yan?
Wala pa akong balita kung ano na ang bago sa gimik ni Moti at alyas Borbi na magpaikot ng petition sa mga barangay chairman sa Pasay para mabuksan ang sakla. Sa tingin kasi ni Moti ang petition lang ang paraan para mapabuksan ang sakla na hindi si Mayor Calixto ang sisisihin ng taga-Pasay. Nangako kasi noong kampanyahan si Calixto na hindi niya papayagan ang sakla --- maging puwesto piho o sa patay man --- at imbes magbibigay na lang siya ng halagang P7,500 sa mga naiwang pamilya. Subalit malaking pagkakitaan ang sakla kaya minaniobra nitong si Moti na mapabuksan ito, at sa tingin niya lalambot ang mga botante kapag ang mga chairman na nila mismo ang may say dito.
Kahit me “no take†policy naman sina Garbo at Uyami, nagbukas naman ng jueteng ang broker na si Dante Alvarez sa Muntinlupa at Paranaque City. Ang bangka ni Alvarez ay ang vice mayor ng isang bayan sa Batangas. Ayon kay Alvarez, gumastos na sila nang malaki para sa administrador ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Parañaque Mayor Olivarez. Ayaw din paawat ng isang alyas Walter na may pa-sakla sa Muntinlupa at naggerilya rin siya ng jueteng. Sa tingin kaya nitong sina Alvarez at Walter ay walang pangil ang “no take†policy ng pulisya natin? Abangan!
- Latest