‘Ibinulsang lupa’
ANG PIRMA ay kumakatawan ng isang tao.
Ito ay inilalagay at nagagamit sa anumang legal na pakay para magpatunay na siya nga yun. Ang paggaya o ang paggamit ng iba nito para sa kanyang kapakanan ay labag sa batas. Para mo na ring inagaw ang kanyang buong pagkatao. Lumapit sa aming tanggapan si Juliet Agustin, 54 taong gulang, nakatira sa Pasig City. Inirereklamo niya ang tiyahing si Nena Cea. Malapit si Juliet sa kanyang lolo na si Anselmo de Leon. Kung gaano ka-ganda ang samahan nila ng lolo, yun naman ang inilayo ng loob niya sa tiyahing si Nena. Ayon kay Juliet, ang tiyahin niyang ito ay masakit kung magsalita, mahilig manumbat at mainitin ang ulo. Ilag sila dito kahit kapatid ito ng kanyang ama. Taong 1991 nang bilhin ng kanyang amang si Lino sa lolo niya ang lupa sa Lian, Batangas sa halagang sampung libong piso. May sukat itong 1,793 sqm. Namatay si Lolo Anselmo noong 1994. ‘Deed of sale’ ang hawak ng kanyang ama. Si Atty. Modesto S. Alix ang nagnotaryo ng kasulatan noong Hulyo 1991. Nakalagda bilang mga testigo sina Nena Cea at Apolonia de Leon. Ang kanyang tiyahing si Nena ang inatasan ng kanyang ama na magbantay sa lupang sakahan dahil sa Maynila sila nakatira. Ang amang si Lino lang ang nagtatago ng mga dokumento tungkol sa lupa nila sa Batangas.
“Nahawakan ko lang ang deed of sale nung mamatay ang tatay. Nabanggit niya sa ‘kin kung ano man ang mangyari sa kanya nandun ang mga papeles sa itim na bag,†salaysay ni Juliet. Taong 2005… matapos ilibing si Lino kinausap sila ni Nena at nagtanong kung may iniwan na deed of sale ang ama. “Na-alarma ako kaya inuwi ko kagad ang bag sa Maynila,†wika ni Juliet. Makalipas ang ilang araw muling nakipag-usap si Nena kina Juliet. “Siya na daw ang bibili ng lupang sakahan. Isang milyon ang naging usapan,†sabi ni Juliet. Wala namang tumutol sa pagbebenta ng lupa kay Nena dahil kamag-anak nila ito at balak talaga itong ipagbili ng ama nung nabubuhay. Nagsimulang maghulog si Nena kina Juliet nung 2007. Hindi naging maayos ang pagbabayad. Kadalasan huli kung maghulog at halagang dalawang libo o tatlong libong piso lamang kada buwan. “Di pa regular. Minsan umaabot pa ng tatlong buwan. Kapag sinisingil siya pa ang galit,†pagsasalarawan ni Juliet.
Dalawang daan at dalaÂwampu’t apat na libong piso (224,000PHP) ang kabuuang naibayad ni Nena. Hindi pa man nabubuo ang napagkasunduang presyo huminto na si Nena sa paghuhulog. Sinimulan nang ayusin nina Juliet ang pagbabayad ng amilyar kaya nagsadya sila ng hipag na si Lea sa ‘city hall’ ng BaÂtangas. Tinanong nila ang kausap kung magkano ang babayaran. Sinabi nitong hindi na kailaÂngan dahil bayad na ito.
“Wala namang gagawa niyan kundi kaming magkakapatid. Hindi din naman sila nagbayad,†ayon kay Juliet. Nang magtanong sila napag-alaman nilang si Nena na ang may-ari ng lupa. May sarili itong deed of sale na pirmado ng kanilang lolo. Parehong si Atty. Modesto Alix ang nagnotaryo ngunit magkaiba ng pirma sa hawak na deed of sale nina Juliet. Nakapangalan na rin kay Nena ang titulo at kasalukuyan itong nakasanla sa isang pautangan. Taong 2010 nagpunta sila sa ‘Registry of Deeds’ ng Nasugbu para ma-klaro ang tungkol sa lupa ng kanyang ama. Kumpirmadong ang kanyang tiyahin na ang tumatayong may-ari nito ayon sa Transfer Certificate of Title (TCT) na inirehistro noong ika-1 ng Hunyo 2005. Pirmado ni Mr. Nathaniel Tibayan ang Register of Deeds. Agad silang komunsulta kay Atty. Leonardo Laguardia ng Lian, Batangas at nagpagawa ng ‘adverse claim’. Ipinasa nila ito sa registry of deeds ng Nasugbu ngunit hindi naman ito tinanggap. Ayon sa nakausap nilang ‘records officer’ na si Robert, magsampa na lang sila ng kaso. “Hindi namin alam ang gagawin kaya pinuntahan namin ang tiyahin ko sa bahay niya sa Batangas. Sinabi namin na kami ang may ari ng lupa,†kwento ni Juliet. Sa halip na magkausap sila ng maayos nag-hysterical ito. Nagtungo sina Juliet sa aming tanggapan dahil di nila alam kung ano ang magiging hakbang para bawiin ang lupa.
BILANG AGARANG AKSYON, ini-refer namin sila sa tanggapan ni Atty. Eulalio Diaz ng Land Registration Authority (LRA) upang sila’y matulungan. Pebrero 27, 2013 tinatakan ng adverse claim ang titulo. (Ang adverse claim ay magiging babala na hindi malinis ang titulo at may nagÂhahabol.) Nagkasundo silang magtiyahin na ibabalik nina Juliet ang pera kapalit ng pagbigay sa kanila ng lupa.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Juliet. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang susunod na dapat nilang gawin ay dalhin ang deed of sale at ito’y ipasuri sa ‘Questioned Documents Division’ ng PhilipÂpine National Police (PNP) o National Bureau of Investigation (NBI). Kailangan meron din silang maipapakitang sulat kamay ng kanilang lolo upang makakuha ng sertipikasyon na peke nga ang mga pirma. Matapos nun pwede na silang magsampa ng kaso ng ‘Nullity of Sale with Re-conveyance’ para maibalik sa orihinal na may hawak ng deed of sale na tatay niya. Habang nagbabakbakan sa korte magsumite sila ng kopya sa registry of deeds ng Lian, Batangas upang mailagay itong lupa sa ‘Lis pendens’. Ang ibig sabihin may kasong dinidinig tungkol sa lupang ito. Sa ganitong paraan ang kinukwestiyon na lupa ay hindi basta pwedeng mabenta… masanla ng ganun kadali. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
- Latest