^

Punto Mo

Lampong(221)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

P INAKINGGGAN ni Dick ang pag-uusap nina Jinky at Tina.

“Kagabi, nakakita na naman ako ng patay na itik sa may pilapil, Mam Jinky,” narinig ni Dick na sabi ni Tina.

“May patay na naman. Ano sa palagay mo ang dahilan at namatay, Tina?”

“Hinala ko po ay may natuka na lason.”

“Lason? Paano magkakaroon ng lason sa itikan ay di ba’t nakakulong sila. Walang ibang nakakalapit sapagkat malalim ang tubig na nakapaligid sa kulungan.’’

“Hinala ko lang po yun, Mam Jinky.’’

“Hindi kaya bayawak ang dahilan, Tina?”

“Kung bayawak po, sana wakwak ang katawan ng itik. Wala namang sugat ang itik.’’

Napailing-iling si Jinky. Problemado.

“Di ba noong nakaraang buwan ay nakakita ka rin ng patay na itik, Tina?”

“Opo, Mam Jinky.’’

“Anong pagkakaiba ng nakita mo noon at yung nakita mo kagabi?”

“Parehas lang po. Kaya nga po ang hinala ko ay may natuka na lason.”

“Pero kung nakatuka ng lason, sana ay maraming na­matay. Ilan ba ang nakita mo?”’

“Dalawa po.”

“Sana kung lason e di ma­rami ang namatay.’’

“Kaya nga po ako nagta­taka, Mam Jinky.’’

“Kung palagyan kaya natin ng ilaw ang bawat kanto ng pilapil para matakot kung sino man ang gumagawa ng pagkamatay ng itik.”

“Ilaw po na de-bombilya?”

“Hindi. Ilaw na gamit ang langis ng niyog. Yung may mitsa. Ilalagay lang natin sa isang magandang lalagyan para hindi mamatay sa ihip ng hangin. Marami tayong­ langis ng niyog di ba?”

“A opo. Puwede nga po iyon.”

“Magpapagawa tayo ng mga ilawang de langis. Siguro mga 100 ilawan ano, Tina?”

“Opo. Bibilangin ko po mamaya at sasabihin ko sa iyo, Mam Jinky.’’

“Alam ko marami tayong empty bottle sa kuwartong iyon,” itinuro ni Jinky ang kuwartong kinaroroonan ni Dick. Kinabahan si Tina sapagkat naroon sa loob si Dick. Si Dick man ay kinabahan.

“Teka ang mabuti pa ay tingnan ko ang mga empty bottle sa kuwartong iyon,” sabi ni Jinky at humakbang patungo sa kuwarto.

Hindi humihinga si Dick. Patay na! Mabubuking na siya!

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

HINALA

ILAW

JINKY

KAYA

MAM JINKY

OPO

SI DICK

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with