^

Punto Mo

Pag-decriminalize sa prostitusyon

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar -

ISINUSULONG ngayon sa Kongreso na i-decriminalize ang prostitusyon sa bansa na mangangahulugan na hindi na makakasuhan ng criminal ang sinumang tao na nasadlak sa prostitusyon.

Magandang pagdebatehan ang panukalang ito at makabu­buting linawin na hindi naman ito nangangahulugan na magi­ging legal na ang prostitusyon. Dapat lang siguro na sa halip na ipakulong at sampahan ng kasong criminal ang mga tinaguriang prostitute dahil karamihan sa mga ito ay biktima lang ng kahirapan.

Tulad na lang sa napakaraming kababaihan na napipilitang magtrabaho sa mga night club bilang GRO na nasasadlak sa pagbebenta ng panandaliang aliw. Karamihan sa kanila ay napilitan dahil sa kahirapan at mayroong itinataguyod na pamilya kaya kailangang maghanapbuhay sa madaling paraan.

Marami sa mga nasadlak sa prostitusyon ay hindi nakapagtapos ng pag aaral at maagang nabuntis. Ang iba ay may problema sa pamilya.

Ang dapat papanagutin sa prostitusyon ay mga negoyanteng nangangalakal sa pagbebenta ng laman lalo na ang mga may ari ng club na nagsisilbing front ng prostitusyon gayundin ang mga tumatayong bugaw.

Samantalang ang mga babaing nasadlak sa prostitusyon ay dapat tulungan ng gobyerno na makaaahon sa ganitong trabaho. Sinupor­tahan daw ng DSWD ang panukala ng Kongreso.  Kung magkakaroon ng mas mabigat na parusa sa mga negosyanteng namumuhunan para sa prostitusyon, unti-unting mababawasan ang problema rito.

Ang prostitusyon ay sumisimbolo sa kahirapan. Kung sa US at Europe ay mayroong prostitute natural na mayroon sa Pilipinas na isang mahirap na bansa.

Samantala, kahit makalusot ang panukalang batas na ito kung hindi naman bubuti ang kalagayan ng ekonomiya ay malabong maresolba ang problema sa prostitusyon. Kailangang umunlad ang ekonomiya.

DAPAT

KAILANGANG

KARAMIHAN

KONGRESO

MAGANDANG

MARAMI

PILIPINAS

PROSTITUSYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with