^

Punto Mo

Editoryal - Salamat sa inyong pagtitiwala

Pang-masa

SAMPUNG taon na ang PangMasa (PM). Mahaba-haba na ring panahon ang ating pagsasama mga mahal naming mambabasa. Marami-rami na ring pagsubok at mga unos ang ating naranasan. Dumanas tayo ng malalakas na bagyo, baha, habagat, tagtuyo, kahirapan, kaguluhan at kung anu-ano pang mga balakid sa buhay. Pero sa kabila niyan, narito pa rin tayo at magkasama. Hindi ninyo kami iniwan. Lagi ninyo kaming inabangan at sinubaybayan. Patuloy ang walang sawa ninyong pagtangkilik. Hindi kayo nagbago sa nasimulan.

Lagi naming tinitingnan ang inyong pagmamahal. Kung wala kayo, wala rin kami rito sa kinaroroonan. Kayo ang naglagay sa amin sa mataas na posisyon. Kung hindi naging ganap ang inyong pagtangkilik, tiyak na wala kami rito.

Natatandaan namin nang unang ilunsad ang pahayagang ito noong Enero 13, 2003. Maraming pahayagan din ang inilabas ng panahong iyon. Nakipag­tagisan ng husay at galing. Pero makalipas lamang ang isang taon, ang mga kasabay na pahayagan ay unti-unting nagsitiklop at parang bulang nawala. Ang PM, nanatiling nakatayo, matibay, matatag at patuloy sa pagbibigay ng mga maiinit at makatotohanang balita, parehas na opinion at komentaryo, nakakaaliw na balitang showbiz, mga artikulong nakalilibang at kapana-panabik na pangyayari sa sports.

Kung ano ang aming nasimulan noong 2003, iyon pa rin kami ngayon at lalo pang nag-uumigting ang pagnanais na mabigyan kayo ng kasiyahan. Lalo pa kaming inspirado na magdulot ng kasiyahan at kaaliwan sa inyo, mga mahal naming mambabasa. Walang hanggan din ang aming pasasalamat sa mga advertisers na patuloy ding naniniwala at sumusuporta sa amin.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsubaybay at pagtitiwala. Naniniwala kami na walang hanggan ang ating pagsasama.

DUMANAS

ENERO

LAGI

MAHABA

MARAMI

MARAMING

NAKIPAG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with