^

Punto Mo

Lawyer, muntik mamatay nang ipitin ng babaing katalik ang mukha sa pagitan ng mga suso nito

- Arnel Medina - Pang-masa

TINANGKA siyang patayin ng babaing dati niyang karelasyon. Ito ang sinabi ni Tim Schmidt, 30, isang lawyer, sa German court. At ginamit umano ng babae ang malalaki nitong suso para siya patayin. Ang babaing inakusahan ng tangkang pagpatay ay si Franziska Hansen, 30.

Ayon kay Schmidt, nagtalik sila ni Franziska sa bahay nito. Pagkatapos nilang magtalik, hinila umano ng babae ang ulo niya at isinubsob ang mukha sa mga suso nito na ang sukat ay 38DD.

Dahil sa naipit ang kanyang mukha sa pagitan ng dalawang malalaking suso, hindi siya makahinga. Nagpipiglas umano siya at nagpilit makakawala sa pagkakasubsob sa mga suso. Nauubusan na umano siya ng hangin. Habang nagpupumiglas umano siya ay lalo naming dinidiin ni Franziska ang kanyang mukha sa mga suso nito.

Hanggang sa ubos lakas niyang isinalya ang babae at nakawala siya. Hubad siyang nagtatakbo palabas at nakahingi ng saklolo sa kapitbahay.

Ipinagharap niya ng kaso ang babae sa nabigong pagpatay gamit ang mga “suso” nito. Ayon kay Schmidt, professional jealousy ang dahilan kaya gusto siyang patayin ni Franziska.

 

Mister, nadulas sa balat ng saging, pagsaksak  kay Misis napigilan

 

 

KUNG hindi sa balat ng saging, baka nasaksak at napatay na si misis ng kanyang lasing na mister. Nangyari ang insidente sa Bochum, Germany.

Ayon sa report, gusto nang iwan ni misis ang asawang laseng­go. Nagalit si mister at  kumuha ng patalim at binantaang sasaksakin ang asawa kapag nagpilit itong makipaghiwalay. Nakaabang sa may pinto ang mister na lasing.

Lumabas si misis para magtapon ng basura. Sapo niya ang malaking supot na may lamang basura. Nang bigla siyang lapitan ni mister at inundayan ng saksak. Iniharang ni misis ang supot na may basura kaya ito ang nasaksak. Nawasak ang supot at nalaglag ang mga balat ng saging. Eksaktong natapakan ni mister ang mga balat ng saging at nadulas siya. Nagkabali-baliktad ang mister.

Sinamantala ni misis ang pangyayari at nagtatakbo palayo para makahinig ng tulong sa mga kapitbahay.

Naaresto ang lalaki. Ayon sa lalaki, masyado siyang na-des­pair nang malamang makikipaghiwalay ang asawa kaya niya ito nagawang saksakin. Sabi naman ni misis gusto niyang hiwalayan si mister dahil masyadong bayolente ang ugali lalo paglasing. At mabuti na lang daw at nadulas ito sa balat ng saging, kung hindi ay baka napatay siya.

 

vuukle comment

AYON

BOCHUM

FRANZISKA

FRANZISKA HANSEN

MISIS

MISTER

SCHMIDT

SIYA

TIM SCHMIDT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with