Binata natumbok ng motor, lasog
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang isang binatang naglalakad sa tabi ng kalsada matapos mabangga ng humarurot na motorcycle rider sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roderick, 39, maintenance employee at residente ng Brgy. Minuyan 1.
Sa report ng SJDM Police Station, alas-9:30 ng gabi nitong Abril 2 habang naglalakad ang biktima sa Road 1, Brgy. Minuyan 2 nang biglang banggang ng motorsiklo na mabilis na sumibat sa lugar.
Dahil dito, agad na dinala ang biktima sa ospital para sana sa paunang lunas subalit binawian na ng buhay, ayon sa doktor.
Sinasabing bandang alas-3:00 ng hapon kinabukasan ay boluntaryong sumuko sa pulisya ang nakonsensyang rider na si alyas “Raymond”, 20, residente ng Brgy. Sto Cristo, ayon na rin sa report.
Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.
- Latest