^

Probinsiya

3-anyos, 1 pa sugatan sa pambobomba sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang residente, isa sa kanila 3-taong gulang na bata, ang sugatan ng paputukan ng mga armadong kalalakihan ng 40 millimeter grenade projectiles ang isang lugar sa Barangay ­Mother Poblacion sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong gabi ng Sabado.

Sa ulat ng mga municipal officials nitong Linggo,  agad na tumakas ang mga lalaking nagpakawala ng mga grenade projectile mula sa malayo gamit ang mga M79 launcher at M203 rifle.

Nabutas ang yerong atip ng ilang mga bahay na binagsakan ng 40 MM grenade projectiles, ayon sa mga barangay leaders at mga opisyal ng Shariff Aguak Municipal Police Station.

Ilang beses nang  ginulo ang Shariff Aguak ng mga armadong mga kakampi diumano ng mga kandidato para sa mga local positions na tinalo ng mga local executives na na-reelect sa kanilang mga puwesto nitong May 12 elections.

Isang pangkat ng mga sundalo at mga pulis ang agad na nagsiyasat sa mga lugar na binagsakan ng mga 40 MM­ grenades kaugnay ng inisyatibo ng municipal government ng Sha­riff Aguak na makilala ang mga responsable sa naturang panggugulo upang masampahan ng mga kaukulang kaso.

SHARIFF AGUAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with