^

Probinsiya

Gen. Peñones, bagong talagang RD ng Central Luzon

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, Pampanga , Philippines — Pormal nang uupo bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3) si Police Brigadier General Rogelio “Pojie” Peñones ngayong Hunyo 23 kapalit ni PBig. Gen Jean Fajardo na itinalaga bilang PNP chief of comptroller sa Camp Crame.

Ito ang kinumpirma ng Police Information Office sa Camp Olivas, Pampanga taliwas sa mga naunang balita na siya ay ililipat sa Region 6.

Si Gen. Peñones ay kilalang mapagkumbaba, maka-Diyos, at isang PNPA graduate na may malawak na karanasan sa serbisyo.

Bago italaga sa Region 3, nagsilbi siya bilang Deputy Regional Director for Administration ng NCRPO, pinuno ng PNP Legislative Affairs Center, dating Director ng Northern Police District, at Zambales Provincial Police Office.

Hindi rin lingid sa publiko ang kanyang pananampalataya sa Diyos, gamit ang Facebook handle na “Pojie Peñones Jr.” kung saan madalas siyang magbahagi ng Bible verses.

Matatandaan na minsang naging target ng international gun smuggling syndicate si Gen. Peñones noong siya ay CIDG Zambales Chief. Siya at ang batikang mamamahayag na si Mar T. Supnad ay nakatanggap ng death threat mula sa sindikato ni Paul Calder-Le Roux, isang South African IT expert na naging big-time crime lord.

Ayon sa kuwento, si Le Roux ay nagpaulan ng sandata sa baybayin ng Mariveles, Bataan. Dahil sa sunod-sunod na imbestigasyon at pagbubunyag ng mga artikulo ni Supnad, galit na galit umano si Le Roux at nag-utos na sila ay ipapatay.

Ngunit sa tulong ng masusing operasyon, ang inupahang hitman na si Baricuatro ay naaresto matapos pumatay ng ibang tao sa Makati. Kalaunan ay inamin ni Baricuatro na sila nga ang target niya.

Batay sa aklat na “The Mastermind” ni US journalist Evan Ratliff, ginamit umano ni Le Roux ang Pilipinas bilang base ng kanyang kriminal na operasyon mula pa noong 2007 dahil sa maluwag na sistema sa bansa.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with