^

Probinsiya

Maglola nagpumilit tumawid sa baha, patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Maglola nagpumilit tumawid sa baha, patay!
Albay Map.
STAR/ File

BACACAY, Albay, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang mag-lola na nagpilit umuwi at tumawid sa umaapaw na tubig baha sa national highway matapos tangayin ng agos at kapwa natagpuang patay na sa Brgy. Bonga ng bayang ito kahapon ng umaga.

Unang natagpuang nakasabit sa mga debri sa ilog noong Biyernes ng hapon ang lola na si Violy Queyan habang kahapon naman ng umaga ay natagpuan ng search and rescue team sa ilog ng katabing barangay ang batang si Mark, 9-anyos, Grade 4 pupil ng Upper Bonga Elementary School.

Sa ulat, kamakalawa ng hapon ay nagpunta ang maglola sa simbahan ng barangay para sa skedyul nang paglilibing ng isa pang 3-anyos na apo na nasawi dahil sa sakit. Dakong alas-3 ng hapon ay nagpilit ang maglola na umuwi ng bahay sa gitna ng malakas na bagsak ng ulan at sinubukang tumawid sa malakas na agos ng tubig-baha sa highway. Gayunman, tinangay ang maglola at nahulog sa kanal sa tabi ng highway. Mabilis silang sinaklolohan ng mga residente at hinanap pero ilang sandali ay natagpuan si Lola Violy na walang malay at nakasabit sa mga debri sa ilog ng naturang barangay. Agad na isinugod ang matanda sa pagamutan pero ideneklarang patay.

Magkatuwang na ginalugad ng mga residente, MDRRMO-Bacacay, pulis at mga kasapi ng Philippine Guard ang kahabaan ng ilog pero kahapon lang ng umaga natagpuan ang bangkay ni Mark na napadpad sa ilog ng Purok-4, Brgy. Hindi ng Bacacay, Albay.

ELEMENTARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->