^

Probinsiya

P15 milyong imported na yosi nasabat sa Zamboanga Sibugay

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P15 milyong imported na yosi nasabat sa Zamboanga Sibugay
Masusing iniimbentaryo ng mga operatiba ng Police Regional Office-9 at Bureau of Customs ang nasa P15 milyong halaga ng imported na sigarilyo na kanilang nakumpiska sa anti-smuggling operation sa Siay, Zamboanga Sibugay nitong Martes. John Unson
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga pulis ang may P15 milyon na halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia sa isang anti-smuggling ope­ration sa Siay, ­Zamboanga Sibugay, madaling araw nitong Martes.

Sa pahayag kahapon ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, nakumpiska ang 283 na kahon ng mga imported na sigarilyo sa isang smuggler sa Purok 4 sa Barangay Laih, Siay.

Ayon kay Masau­ding at mga opisyal ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office, katuwang ng PRO-9 ang mga kawani ng Bureau of Customs (BOC), sa anti-smuggling operation na inalalayan ng mga local executives sa probinsya.

Dagdag ni Masau­ding, may direktiba na siya sa mga opisyal ng mga police units na nagsagawa ng naturang matagumpay na operasyon na ipakustodiya na agad sa BOC ang nakumpiskang kontrabadong aabot sa P15 mil­yon ang halaga para sa kaukulang disposisyon ng ahensya.

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with