^

Probinsiya

San Pascual, Batangas mayoralty candidate pinadidiskwalipika

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinadalhan ng summon ng Commission on Elections (Comelec)-2nd Division si San Pascual, Batangas mayoralty candidate Arlene Bantugon-Magboo upang sagutin ang inihaing petisyon ng isang Danilo A. Aldovino na humihiling ng “disqualification” sa kanyang kandidatura.

Pirmado ni Atty. Gene­sis M. Gatdula, Clerk of the Commission ang summon na inilabas noong Nobyembre 28, 2024, at inaatasan si Magboo na magsumite ng isang Verified Answer cum Memorandum sa loob ng 5-araw mula sa araw ng pagtanggap nito.

Inihain ang petisyon alinsunod sa Seksyon 78 ng Omnibus Election Code na humihiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Magboo dahil sa umano’y paghahain ng maling impormasyon.

Ayon sa petisyon, si Magboo, na tatlong beses na naging Board Member ng Batangas, ay nagdeklara ng pani­nirahan sa Barangay San Mateo, San Pascual, Batangas na taliwas sa kanyang dating deklarasyon bilang residente ng Brgy. Sta. Mesa, Mabini, Batangas nang tumakbo umano siya bilang Board Member.

Ang paglipat ng address ni Magboo sa San Pascual, Batangas ay para lamang umano makalahok sa halalan, at wala siyang “established o genuine ties” sa komunidad at hindi niya rin inabandona ang kanyang permanent residence sa 103 Brgy. Sta. Mesa, Mabini at kasalukuyang tirahan sa Brgy. Gulibay, Bauan, Batangas.

Ayon pa sa petisyon, si Magboo ay basta na lamang sumulpot sa San Pascual.

Ang petisyon ay nakatuon sa kawalan ng sapat na kwalipikasyon ni Magboo sa paninirahan sa San Pascual, na isang mahalagang batayan sa kanyang kandidatura. Itinuturing itong paglabag sa batas na naglalayong tiyakin ang integridad ng halalan.

Ayon sa Comelec, ang kanilang hakbang ay nagpapakita ng kanilang paninindigan na tiyakin ang integridad ng dara­ting na halalan at masigurong ang mga kandidato ay sumusunod sa mga itinatakdang batas.

BATANGAS

SAN PASCUAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with