Retired engineer sa Abra, itinumba
BAGUIO CITY, Philippines — Isang retiradong inhinyero na dating Overseas Filipino Worker (OFW) ang patay matapos na pagbabarilin sa Bangued, Abra nitong Martes ng gabi.
Kinilala ng Bangued Police ang mga biktima na sina Emanuel “Nolie” Bacarra Manglibo, 62 anyos.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:20 ng gabi habang lulan ng motorsiklo at papasok na sa bisinidad ng kanyang tahanan sa Brgy. Calaba, ang biktima nang biglang lumutang ang isang hindi kilalang lalaki at agad na binaril ng dalawang beses ang una na tumama sa kanyang kanang balikat at likurang bahagi ng kanyang ulo.
Ang gunman ay mabilis na tumakas patungong Bagued town proper matapos ang pamamaril sa biktima.
Rumesponde ang mga pulis sa lugar at mabilis na isinugod ang biktima sa Seares Memorial Hospital pero idineklarang patay na.
Dahil sa insidente, nababahala si La Paz town Mayor JB Bernos, national president ng League of Municipalities (LMP), sa patuloy na karahasan sa kanyang lalawigan at nanawagan sa mga awtoridad na gumawa ng mga hakbang upang mapigilan ang mga gun-related violence sa kanyang nasasakupan.
“This senseless killings has to stop,” pahayag ni Bernos.
- Latest