^

Probinsiya

Ilocos nilindol ng 5.7 magnitude

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ilocos nilindol ng 5.7 magnitude
Sa tala ng Philippine Institure of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-2:45 ng mada­ling-araw nang tumama ang lindol sa Ilocos Norte na ang sentro ng pagyanig ay naitala sa may 004 kilometro ng timog kanluran ng Bangui.
Phivolcs

MANILA, Philippines — Niyugyog ng malakas na lindol na nasa 5.7 magnitude ang Ilocos Norte nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa tala ng Philippine Institure of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-2:45 ng mada­ling-araw nang tumama ang lindol sa Ilocos Norte na ang sentro ng pagyanig ay naitala sa may 004 kilometro ng timog kanluran ng Bangui.

Umaabot sa 023 kilo­metro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol. Dulot nito, naramdaman ang Intensity V sa City of Laoag, Pagudpud, Dumalneg, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Adams, Sarrat at San Nicolas, Ilocos Norte.

Intensity 4 sa City of Batac, Currimao at Pinili, Ilocos Norte; Sinait, City of Vigan, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, Santa Lucia, Santa, Narvacan, San Esteban, Cabugao San Juan, Caoayan, Magsingal, San Ildefonso, Santa Cruz, Santo Domingo, Santiago, City of Candon, at Santa Maria, ILocos Sur; Lacub, Tayum, San Juan, La Paz, San Isidro, Pidigan, Bangued, Tubo, at Bucay, Abra Bagui City; Atok, at Buguias, Benguet; Besao, at Bontoc, Mountain Province at Intensity 3 sa La Trinidad, Benguet.

Inaasahan naman ng awtoridad ang pinsala sa naganap na lindol at aftershocks.

ILOCOS NORTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with