P20 milyong shabu samsam sa HVI sa Quezon
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Aabot sa mahigit P20 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska buhat sa isang notoryus na High Value Individual (HVI) matapos malambat sa anti-drug operation sa Sitio Mataas na Bato, Barangay Rizal, Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ruben Lacuesta, kinilala ang nadakip na si alyas Joel, 33, binata at residente ng Barangay Sta. Cecilia, Tagkawayan, Quezon.
Ayon kay Col. Lacuesta, isinagawa ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) na pinamumunuan ni Capt. Luis Mario Yusi Jr. ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-8:00 ng gabi.
Nang makuha na ng suspek ang biniling suspected shabu sa isang pulis na umaktong poseur/buyer ay doon na ito inaresto ng iba pang mga operatiba.
Nabawi buhat sa suspek ang pitong piraso ng P1,000 na marked money.
Nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang isang motorsiklo at mga hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang kilo at 15-gramo na nagkakahalaga sa kabuuan ng P20, 706,000.00.
Nakapiit na sa Tagkawayan Municipal Jail ang suspek at nahaharap sa mga kaukulang kaso.
- Latest