^

Probinsiya

802 wanted sa Central Luzon naaresto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
802 wanted sa Central Luzon naaresto
Ito’y kasunod ng direktba ni Philippine National Police- Police Regional Office 3  Director PBGen. Redrico Maranan na tukuyin at papanagutin mga nagkasala sa batas. 
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nasa 802 wanted persons kabilang ang 142 Most Wanted persons ang nadakip sa  pinaigting na manhunt operation sa Gitnang Luzon mula Oktubre 1 hanggang 31.

Ito’y kasunod ng direktba ni Philippine National Police- Police Regional Office 3  Director PBGen. Redrico Maranan na tukuyin at papanagutin mga nagkasala sa batas. 

Ayon kay Maranan, sa 142 Most Wanted na nadakip, 8 ang Regional level, 27 ang Provincial level, at ang nalalabing bilang ay sa municipal level. 

Kabilang sa mga most wanted persons na nahuli ay may mga kinakaharap na kasong Rape, Murder at paglabag sa RA 9165.

Pinuri ni Maranan ang matagumpay na operasyon ng  kanyang mga tauhan na layong maibaba ang crime rates sa Central Luzon.

“Patuloy ang pagtugis ng pulisya laban sa mga pinaghahanap ng batas upang mapanagot sila sa kanilang mga nagawang krimen.

Gayundin, kami ay nagpapasalamat sa publiko sa patuloy na pakikipagtulungan sa pulisya upang madakip ang mga nagtatago sa batas,” ani Maranan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with