^

Probinsiya

Misis binigti ni mister sa harap ng anak!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

SANGAY, Camarines Sur, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 29-anyos na ginang matapos bitayin ng kanyang “mister” sa harap mismo ng kanilang 4-anyos na anak na lalaki sa kanilang bahay sa Zone-6, Brgy. Tinorongan ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Patay na nang datnan ng mga pulis habang nakabigti at natatalian ng nylon na lubid sa leeg na itinali naman sa kabilang dulo sa beam o biga ng kanilang bahay ang biktima na kinilala lamang sa pangalang “Nica”.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng Sangay Municipal Police Station hinggil sa natagpuang babae na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis at SOCO team at sinabi pa umano ng kinakasama ng biktima na si Waldo, 27-anyos, na nakita na lang niyang nakabigti ang kanyang maybahay dakong alas-6:25 ng umaga.

Gayunman, sa imbestigasyon ng mga pulis ay lumabas na sinakal mismo ng lalaki ang kanyang kinakasama gamit ang naturang lubid sa harap mismo ng kanilang paslit na anak hanggang sa malagutan nang hininga ang ginang.

Mabilis na inaresto ang mister at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay. Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng mister sa pagpatay sa ka-partner.

vuukle comment

CAMARINES SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with