^

Probinsiya

Higit 1.3K katao na apektado ng oil spill sa Bataan, makikinabang sa TUPAD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa 1,300 katao na apektado ng oil spill sa Bataan ang ina­asahang makikinabang sa Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa DOLE, naglaan sila ng kabuuang P45 milyon para sa emergency employment ng may 1,357 indibidwal na direktang naapektuhan nang pagtagas ng langis sa Bataan, bunsod nang paglubog ng dalawang motor tanker at pagsadsad naman ng isa pa.

Sinabi ni DOLE Secretary Bien­venido Laguesma na ang mga benepisyaryo sa lalawigan ay pagkakalooban nila ng pansamantalang pagkakakitaan sa ilalim ng programa, sa loob ng maximum na 20-araw.

Aniya pa, tutulong din ang mga ito sa clean-up operations sa aftermath effects ng bagyong Carina at Habagat.

TUPAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with