^

Probinsiya

Rizal encounter: Rebelde utas, 2 pa arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rizal encounter: Rebelde utas, 2 pa arestado
Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, kinilala ang napatay na si alyas ‘Balat,’ habang ang mga naaresto ay parehong babae na ang isa ay nakilalang si alyas ‘Janna.’
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isang umano’y rebelde ang patay habang dalawa pa ang arestado nang maka-engkwentro ng mga ito ang mga awtoridad sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, kinilala ang napatay na si alyas ‘Balat,’ habang ang mga naaresto ay parehong babae na ang isa ay nakilalang si alyas ‘Janna.’

Sugatan, ngunit nakatakas naman ang isa pang suspek na si alyas “Nikki” o “Jam”.

Lumilitaw na dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa Sitio Marang, Brgy. Burgos sa Rodriguez.

Nagtungo umano sa lugar ang Scout Platoon ng 80-IB upang magsilbi ng warrant of arrest laban kina alyas “Balat” at isang alyas “Maya/Liz/Cielo” sa ‘di pa tinukoy na kaso.

Gayunman, habang papalapit sa lugar ay kaagad na umano silang pinaputukan ng mga hinihinalang rebelde kaya’t napilitang gumanti ng putok ang mga sundalo, na ikinasawi ni alyas Balat.

Nasugatan naman si alyas “Jomar” ngunit nagawa pa ring nakatakas habang nadakip naman ang dalawa pa nilang kasamahan.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay pinaniniwalaang detached members ng “KLG Narciso” ng NPA.

vuukle comment

RODRIGUEZ MUNICIPAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with