^

Probinsiya

Habang nananalasa si ‘Enteng’ 3 bilanggo pumuga sa Taytay jail

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong preso ang nakatakas mula sa custodial facility sa Taytay, Rizal, na isinabay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Enteng.

Kinilala ang mga takas na bilanggo na sina Danny Boy Cancino at Ronald Barrera, na nahaharap sa illegal drug charges at si Kurt Cavasal, na nahaharap naman sa gun offense.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, nabatid na nadiskubre na lamang ng duty jail officer ang jail break dakong alas-5:00 ng madaling araw kahapon.

Lumilitaw sa imbestigasyon na sinamantala ng mga bilanggo ang masamang panahon upang tumakas, sa pamamagitan ng pagsira sa bakal na frame ng custodial kitchen area.

Nagsasagawa pa ng manhunt ang mga pulis para madakip muli ang mga pugante.

Nag-alok na rin ang Taytay Police Station ng P10,000 pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga takas na bilanggo.

vuukle comment

GUN

JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with