^

Probinsiya

Bustos at Ipo dam nagpakawala na ng tubig, Bulacan niragasa ng baha

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bustos at Ipo dam nagpakawala na ng tubig, Bulacan niragasa ng baha
Alas-6 ng umaga kahapon, umaabot sa 33.20 cubic meters per second ang pinakawalang tubig mula sa Ipo Dam samantalang umaabot sa 130 cubic meters per second ang pinakawalang tubig mula sa Bustos dam.
Photo courtesy of Provincial Public Affairs Office

Sa pananalasa ng bagyong Enteng

MANILA, Philippines — Dulot ng patuloy na pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong Enteng na sinamahan pa ng habagat, nagpakawala na ng tubig ang Bustos dam at Ipo dam dahil sa nagbabadyang pag-apaw nito sa lalawigan ng Bulacan.

Alas-6 ng umaga kahapon, umaabot sa 33.20 cubic meters per second ang pinakawalang tubig mula sa Ipo Dam samantalang umaabot sa 130 cubic meters per second ang pinakawalang tubig mula sa Bustos dam.

Dahil sa pagpapakawala ng tubig sa naturang mga dam, patuloy namang dumaranas ng matinding pagbaha sa mga bayan ng Angat, Ba­lagtas, Baliuag, Bocaue at Calumpit sa Bulacan.

Samantala, dahil din sa ulan na dala ng bagyong Enteng, iniulat din ng Dam Monitoring ng PAGASA na tumaas naman sa 187.70 meters ang antas ng tubig sa Angat dam simula kahapon ng alas-8 ng umaga mula sa dating 183.56 meters. Malayo naman ito sa 210 meters na normal water level dahil unti-unti pa lamang tumaas ang tubig sa naturang dam mula nang makaranas ng pag-ulan sa watershed ng dam.

Umabot naman sa 79. 92 meters ang antas ng tubig sa La Mesa dam kahapon mula sa 79.51 meters nitong Lunes. Malayo pa naman ito sa 80.15 meters na normal level ng tubig sa naturang dam.

Ang San Roque dam ay nagtala rin ng pagtaas sa tubig na umabot sa 253.64 meters kahapon mula sa 252.94 meters nitong nagdaang Lunes samantalang ang Pantabangan dam ay nagtala ng 190.88 meters na water level kahapon mula sa 190.32 meters na tubig sa dam habang tumaas naman ang water level sa Magat Dam kahapon na nagtala ng 184.75 meters mula sa 184.22 meters nitong Lunes.  

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with