^

Probinsiya

Pulis arestado sa pambubugbog sa nobya!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis arestado sa pambubugbog sa nobya!
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang pulis matapos ireklamo ng kanyang girlfriend na kanya umanong binugbog nitong Lunes ng gabi sa Barangay Rosario, Gumaca, Quezon.

Kinilala ang pulis sa alyas Edward, 37, nakatalaga sa Buenavista Municipal Police Station.

Lumilitaw sa report na habang nasa bahay ng suspek ang kanyang nobya na si alyas “MJ”, isang promodizer, residente ng Brgy. Progreso, Gumaca, dakong alas-10:30 ng gabi nang sila ay magkaroon ng pagtatalo.

Nakainom umano ang pulis at sa kasagsagan ng kanilang pagtatalo ay pinagsusuntok nito sa ulo ang kasintahan.

Nagtamo ng mga pasa at bukol sa ulo ang walang kalaban-laban na babae.

Agad namang nagpasaklolo ang biktima sa barangay at pulis na sanhi upang damputin ang dyowang parak na umbagero.

Nahaharap ang pulis sa kasong paglabag sa R.A 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with