^

Probinsiya

Madugong ‘rido’ sa Lanao del Sur, tinuldukan na

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Madugong âridoâ sa Lanao del Sur, tinuldukan na
Matapos magkamayan, nanumpa sa isang kasunduan nitong Lunes sa harap ng mga religious at political leaders ang dalawang angkan na Maranao na wakasan na ang kanilang ilang taong awayan na nakaapekto sa maraming inosenteng residente ng kanilang mga bayan sa Lanao del Sur.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Tinuldukan na nitong Lunes ng dalawang angkan ng mga Maranao ang kanilang “rido” o awayan ng angkan, na tinaguriang pinaka­madugo at marami ang mga nasawi sa mga serye ng kanilang labanan nitong nakalipas na limang taon.

Sa ulat nitong Martes ni Col. Robert Daculan, Lanao del Sur provincial police director, pumayag ang mga ang­kan ng Asum at Alim na lumagda sa isang kasunduang tapusin na ang kanilang rido, o  family feud, sa pakiusap ni Gov. Mamintal Adiong, Jr., na siyang chairperson ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council.

Ang mga Asum ay mga taga-Lumbayanague, isa sa 39 na bayan sa Lanao del Sur, habang ang balwarte naman ng mga Asim ang Sultan Dumalondong sa naturan ding probinsya.

Agawan ng teritoryo, pulitika at iba pang mga hindi pagkakaunawaan ang pinag-ugatan ng clan war ng mga Asum at Alim na nakaapekto sa kani-kanilang mga bayan sa Lanao del Sur na ang mga local executives ay kilalang mga supporters ng peace and reconciliation programs ng tanggapan ni Adiong.

Magkatuwang na pinangunahan nila Adiong, ng mga opisyal ng Lanao del Sur Provincial Police Office, ni Vice Gov. Mohammad Khalid Rakiin Adiong at ng mga miyembro ng Lanao del Sur Sangguniang Panlalawigan ang pagsasagawa ng “rido settlement” nitong Lunes sa isang gymnasium sa provincial capitol sa Marawi City, kabisera ng naturang probinsya.

MARANAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with