^

Probinsiya

Pamilya ng nawawalang mangingisda sa West Philippine Sea hit-and-run incident, inayudahan

Pilipino Star Ngayon
Pamilya ng nawawalang mangingisda sa West Philippine Sea hit-and-run incident, inayudahan
Fishermen arrange their boats and nets along the shores of a beach in Binmaley, Pangasinan after fishing on February 1, 2024.
STAR/ Cesar Ramirez

SUBIC, ZAMBALES, Philippines — Tapat sa kanyang pangako, personal na binisita at inayudahan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang pamilya ni Jose Mondoniedo, ang mangingisdang nawawala matapos ang ‘hit-and-run’ incident na kinasasangkutan ng dayuhang barko sa karagatan ng Subic, West Philippine Sea noong Hulyo 3.

Nakausap ni Tolentino ang asawa ni Jose na si Delia, 43, at kanilang mga anak na sina Kayla Marie, 21, Kyle Ryan, 17, at Kylyn Maine, 8 sa ancestral home ng Mondoniedos sa Barangay Cawag.

Nagbigay ang senador ng tulong-pinansyal para sa edukasyon ng tatlong anak ng mag-asawa, at nangakong maghahanap ng scholarship program para sa kanila.

Binigyan din niya ng laptop at printer si Kayla Marie, isang education major sa Kolehiyo ng Subic. Ikinuwento ng nakatatandang kapatid ni Jose na si Robert, 47, kina Tolentino at Subic Mayor Jon Khonghunang ang insidente noong Hulyo 3. Nakatanggap din si Robert ng cash assistance mula sa senador.

Ibinahagi ni Tolentino sa Mondoniedos na tinitingnan na ng Philippine Coast Guard ang dalawang ships of inte­rest na kasalukuyang nakadaong sa Indonesia.

“Pero ang pinakamahalaga ngayon, ay malaman kung ano na ang kalagayan ni Jose. Kausap ko si Admiral Ronnie Gavan at patuloy pa ang kanilang paghahanap… tuloy lang ang imbestigasyon nila at rescue,” anang senador.

Matapos ang pakikipag-usap sa mga Mondoniedos, pumunta si Tolentino sa kalapit na bayan ng San Marcelino kung saan binisita niya ang burol ni Konsehal Aleysander “Ly” Aquino.

Si Aquino ang unang nagsumbong sa senador tungkol sa hit-and-run incident at ang nawawalang mangingisda. Gayunman, ayon sa kanyang pamilya, binawian ng buhay si Aquino dahil sa atake sa puso noong Hulyo 10.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with