^

PSN Palaro

Japanese star naging inspirasyon ng Chargers

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Japanese star naging inspirasyon ng Chargers
Nagdiwang ang Akari matapos sibakin ang Farm Fresh para makapasok sa semifinals.
PVL photo

MANILA, Philippines —  Isa ang pagpasok ni Japanese volleyball star Ran Takahashi sa dugout ng Akari sa mga dahilan ng pag-entra ng Chargers sa semifinals ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Sinibak ng No. 1 Akari ang No. 8 Farm Fresh, 17-25, 25-18, 25-22, 25-23, sa kanilang knockout quarterfinals match noong Sabado.

Bago ang laro ay biglang pumasok si Takahashi sa dugout ng Chargers ni Ja­panese coach Taka Minowa at nagbigay ng mensahe sa mga players.

“Actually part si Ran sa inspiration ko kasi nakikita ko siya hindi lang siya cute, magaling din siya sa technique na sinasabi ni coach Taka (Minowa),” sabi ni Grethcel Soltones na pumalo ng 17 points sa kanilang panalo sa Foxies.

Bumisita sa bansa si Takahashi bilang brand ambassador ng Akari para sa isang event.

“Kasi iba ‘yun kasi nagbigay siya ng message na good luck daw ganyan. Siyempre kami kinikilig kami,” dagdag ng outside hitter na si Soltones sa Ryujin Nippon star spiker.

Lalabanan ng Chargers sa knockout semifinals ang mananalo sa quarterfinals duel ng PLDT High Speed Hitters at Chery Tiggo Crossovers bukas.

Haharapin naman ng Cignal, sinibak ang Capital1, 25-19, 36-34, 16-25, 22-25, 15-12, ang magwawagi sa laro ng Creamline at Petro Gazz.

Nakatakda ang championship showdown sa Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with