^

Probinsiya

Inter-agency Development Council, itinatag sa Sulu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Inter-agency Development Council, itinatag sa Sulu
Sakop ng bagong organisang MJIAC ang mga magkakatabing mga bayan ng Jolo, Talipao at Indanan na parehong kilala na sa pagiging mapayapa at ngayon mga sentro na ng kalakalan at komersyo sa Sulu.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang ahensya ng Bangsamoro government matapos itatag ang bagong Metro Jolo Inter-Agency Council (MJIAC) na magsusulong ng mga programang pangkapayapaan at pangkaunla­ran sa tatlong mapayapa at maunlad ng bayan sa Sulu.  

Sakop ng bagong organisang MJIAC ang mga magkakatabing mga bayan ng Jolo, Talipao at Indanan na parehong kilala na sa pagiging mapayapa at ngayon mga sentro na ng kalakalan at komersyo sa Sulu.   

Kabilang sa mga nangako ng suporta sa MJIAC nitong Martes si Minister Paisalin Tago ng Ministry of Transportation and Communications-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MoTC-BARMM), na may isang ahensya, ang Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board (BLTFRB), na kasapi ng naturang council na itinatag nito lang nakalipas na linggo.

Miyembro ng MJIAC ang provincial office ng BLTFRB ng MoTC-BARMM na may mga ahensiya rin na namamahala ng airport at seaport sa Jolo, Sulu.

 Ang MJIAC, na kabilang sa mga miyembro ang mga municipal police stations sa Talipao, Indanan at Jolo at ang 1103rd Infantry Brigade at iba’t iba pang mga ahensya ng BARMM, ay may tatlong task groups na tututok sa domestic security, public safety and welfare at waste management sa naturang tatlong bayan.

SULU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with