^

Probinsiya

Team Albay, huwaran sa organisado at mabisang pagtugon sa mga kalamidad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines — Muling pinatunayan ng Team Albay, isang premyadong grupong kilala sa mabisang pagtugon sa mga suliraning likha ng matinding mga kalamidad, na modelo o huwaran nga ito sa organisado at mabisang pagtugon sa mga problemang dulot ng matinding pananalasa ng mga kalamidad gaya nang iniwan ng bagyong Pepito kamakailan sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.

Binuo ito noong 2008 ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda nang gobernador siya ng Albay na binuhay muli at kaagad na ipinadala sa Catanduanes kamakailan.

Sa ilalim ng Misyong “Albay in Action and Compassion for Ca­tanduanes (A2C2),” tututukan nito ang limang mga bayan ng Pandan, Panganiban, Gigmoto, Caramoran, Bagamanok at Viga (PaPaGiCaBaVi) sa hilagang bahagi ng Catanduanes na lubhang binugbog ni Pepito. Pinagsanib sa ilalim nito ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan, “humanitarian organizations, healthcare teams, local stakeholders” at iba pang mga boluntaryo na ang magkakasamang bilang ay umaabot sa 250 katao.

Pinondohan ng P15 milyon na inipon ni Salceda mula sa iba-ibang pinagmulan, isasagawa ng Team Albay ang malawakan at makataong mga ayuda kasama ang “medical and hospital assistance, psycho-social support, water sanitation through water lorries and water filtration tanks, internet connectivity via six Starlink sets, food and fuel replenishments, home building materials” at pamimigay ng de-kalidad (hybrid) na binhing palay para sa mga magsasaka doon.

Ayon kay Salceda, pinaninindigan ng Team Albay ang 2015 Galing Pook Award nito na itinuturing na pinakamataas na parangal kaugnay sa mahusay na pangangasiwa sa pamahalaang lokal na nakabatay sa inakong responsibilidad ng lalawigan kaugnay sa Millennium Development Goals nito.

Sa pamumuno ni Salceda bilang gobernador noon, nakamit ng Albay ang mahahalagang sad­yang layunin ng lalawigan, kasama ang kasiguruhan sa pagkain na napataas niya sa 93% mula 73% sa loob ng pitong taon; pagpapalawak ng kagubatan sa 88% at 300% sa gubat ng bakhawan; pagpapalago sa bilang ng mga dayuhang turista na lumobo sa 383,000 noong 2013 mula 8,765 lamang noong 2006.

ALBAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with