^

Probinsiya

Nanay, 2 paslit anak patay; tatay sugatan sa trak

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

ANGAT, Bulacan, Philippines — Namatay noon din ang isang ina at dalawa nitong anak na paslit habang sugatan ang ama matapos na madaganan ang kanilang van ng isang trak, kamakalawa ng gabi sa Sitio Tugatog Brgy.Marungko ng nabanggit na bayan.

Sa report na nakara­ting kay PBGen. Redrico A Maranan PRO3 regional director, kinilala ang mga nasawi na sina Angielyn Herrera; at anak na sina Andrie Herrera, 6; at Sky Herrera, 2; habang nasugatan ang ama na si John Jovy Herrera.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:00 ng gabi ay kapwa binabagtas ng Howo truck na may plate No. NBB7921 na minamaneho ni John Arn de Castro, 26, ng Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso, Bulacan at Mitsubishi L300 van na may plate No. PIE 431 na minamaneho ni Herrera ang matarik na kalsada nang mawalan ng control ang trak na nagresulta upang tumaob ito at madaganan ang sasakyan ng mga biktima.

Agad na dinala sa Norzagaray Public Hospital ang mga biktima na kalaunan ay dineklarang dead on arrival ang mag-iina habang patuloy na ginagamot ang ama.

Nasa kustodiya na ng pulisya si De Castro at sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide (3 counts), Serious Physical Injury at Damage to Property.

BULACAN

SAN ILDEFONSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with