^

Probinsiya

Ex-mayor, ex-administrator ng Calumpit, Bulacan kinasuhan sa Ombudsman

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Ex-mayor, ex-administrator ng Calumpit, Bulacan kinasuhan sa Ombudsman
Sa 19-pahinang rek­lamo ng isang pribadong mamamayan ng Calumpit na ayaw ipabanggit ang pangalan, kasong admi­nistratibo at kriminal ang isinampa nito laban kay dating Calumpit Mayor Jesse De Jesus at dating Municipal Administrator Myleen Pangan.
Office of the Ombudsman Philippines / Facebook page

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Kasong katiwalian ang isinampa sa Ombudsman ng isang private citizen sa dating alkalde at municipal administrator ng bayan ng Calumpit, dito sa lalawigan.

Sa 19-pahinang rek­lamo ng isang pribadong mamamayan ng Calumpit na ayaw ipabanggit ang pangalan, kasong admi­nistratibo at kriminal ang isinampa nito laban kay dating Calumpit Mayor Jesse De Jesus at dating Municipal Administrator Myleen Pangan.

Nakasaad sa reklamo na lumabag umano sa Sections 3(e) at 3(j) ng Republic Act #3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang dalawang dating opisyal matapos umano silang mag-isyu ng waiver/certification na hindi na kailangang kumuha ng business at mayors permit para sa taong 2022 ang contractor ng Malolos-Clark Expressway Project. Nang mga panahong iyon, si De Jesus ang kasalukuyang mayor ng nasabing bayan at si Pangan ang municipal administrator.

Ayon sa reklamo, pinayagan nina De Jesus at Pangan sa pamamagitan ng waiver na huwag nang kumuha ng permit ang Hyundai Engineering & Construction Co., Ltd at Dong-a Geological Engineering Co. (HMDJV), joint venture ng Mega­wide Construction Corp. na siyang contractor ng Malolos-Clark Expressway Project.

Dahil umano sa ginawa ng dating opisyal, umabot sa P8,005,726.55 ang nawala sa kabang yaman ng munisipyo ng Calumpit na dapat sana ay nabayaran ng nasabing contractor para sa taong 2020 hanggang 2022.

Sinasabi rin sa rek­lamo na dahil wala na sa serbisyo ang dalawang opisyal at hindi na maaaring dismissal ang ipataw sa kanila, iginiit ng complainant na makansela ang eligibi­lity, mapawalang halaga ang kanilang retirement benefits at kung maaari ay panghabambuhay na madiskwalipika na makapagtrabaho sa gob­yerno at ipagbawal na kumuha ng civil service examinations.

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with