^

Probinsiya

Cashier tinodas habang kumakain sa resto

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Hindi na nagawang tapusin ng isang kahero ang paghahapunan niya sa isang restaurant matapos paulanan ng punglo at mapatay ng dalawang hindi nakikilalang lalaki sa Barangay Balubal ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Michael Badiola, 28 anyos, may live-in partner, at residente ng Purok 1, Barangay Gibanga, Sariaya, Quezon.

Inilarawan naman ng mga saksi ang mga suspek na nakasuot ng puting short, at asul na jacket habang ang isa ay naka-maong na short at itim na t-shirt.

Ayon kay PCapt. Primitivo Ramirez, deputy chief of police ng ba­yang ito, bandang alas-10:25 habang kumakain ng hapunan sa loob ng Lovinco Restaurant ang biktima nang lapitan ng mga suspek saka pinaulanan ng punglo.

Matapos isagawa ang krimen, naglakad lamang patakas ang mga salarin.

vuukle comment

RESTAURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with