^

Probinsiya

Hepe, 34 pang pulis sibak sa ‘bloody drug war’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hepe, 34 pang pulis sibak sa �bloody drug war�
Sa report, ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) 11 P/Brig. Gen. Aligre Martinez, ang pagsibak sa 11 District City Police Station commanders, mga deputies at 23 Non-Commissioned Officers na epektibo nitong Mayo 22, 2024 pero kahapon lamang ito isinapubliko.
STAR/ File

Sa pagkamatay ng 7 ‘tulak’ sa Davao City

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang hepe ng Davao City Police Office at 34 nitong tauhan kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong pinaghihinalaang drug personalities sa madugong drug war sa lungsod mula Marso 23-26 ng taong ito, ayon sa opisyal kahapon.

Sa report, ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) 11 P/Brig. Gen. Aligre Martinez, ang pagsibak sa 11 District City Police Station commanders, mga deputies at 23 Non-Commissioned Officers na epektibo nitong Mayo 22, 2024 pero kahapon lamang ito isinapubliko.

Kabilang pa sa mga nasibak na opisyal ay sina Davao City Police Director P/Col. Richard Bad-ang, P/Lt. Col. Ro­nald Lao, P/Major Jimmy Evangelista P/Major Rosario Aguilar,  P/Major Joenel Pederio, P/Major Noel Villahermosa, P/Major Jemuel Mamolang, P/Capt. Henry Calvo, P/Capt. Marlon Donquilab, at P/Capt. Jefferson Escasinas.

Ayon sa opisyal, ang 35 pulis kabilang ang kanilang hepe ay pinatawan ng “administrative relief” base sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service 11 kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong drug personalities.

Sa kasalukuyan, nasa Regional Personnel Hol­ding and Accounting Section (RPHAS) si Bad-ang at 34 pang pulis ng Davao City Police Station.

Nilinaw ng PRO 11 na walang kinalaman sa pulitika ang pagsibak kay Bad-ang at mga tauhan.

Sa tala, ang pitong drug offenders ay napas­lang matapos umanong manlaban kasunod ng utos ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na paigtingin muli ang “drug war” sa kanilang lungsod.

Agad namang kinondena ni Davao City Mayor Baste Duterte ang desisyon na sibakin si Bad-ang, at 34 iba pang police personnel ng Davao City Police Station kabilang ang anim na mga station commanders.

Ani Baste, isa itong pang-aabuso sa kapangyarihan mula sa mga nakatataas na opisyal lalo pa at ginagawa lamang ng mga nasibak na opisyal at mga tauhan ng Davao City Police ang kanilang mandato na panatilihin ang “peace and order” at huwag hayaang mamayagpag ang illegal na droga sa kanilang lungsod.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with