^

Probinsiya

PWD huli sa aktong bumabatak sa CR ng coliseum

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
PWD huli sa aktong bumabatak sa CR ng coliseum
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

NAGA CITY, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang person with disability (PWD) matapos maaktuhan mismo ng isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency habang bumabatak ng droga sa comfort room ng Jessie M. Robredo Coliseum na nasa harap mismo ng opisina ng PDEA sa Brgy. Triangulo, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Natawa na lang at napakamot ng ulo makaraang arestuhin ng ahente ng PDEA ang suspek na kinilala sa pangalang “Pedrito”, 43-anyos, isang pilay at residente ng naturang lugar, na hindi inakala na kaharap lang ng comfort room na pinasukan ang opisina ng PDEA.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga pumasok ng palikuran ang suspek upang bumatak umano ng droga.

Gayunman, habang bumabatak, pumasok naman ang isang ahente ng PDEA para umihi at naaktuhan mismo nito habang gumagamit ito ng droga.

Nang kapkapan ay nakuhanan pa ang PWD ng isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

vuukle comment

DRUGS

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with