^

Probinsiya

1-anyos gumapang, hulog sa balon, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1-anyos gumapang, hulog sa balon, patay!
Sa report ni P/Lt. Col. Anthony Grande, hepe ng Himamaylan City, ang biktima ay natagpuang walang malay matapos lumutang ang kanyang katawan sa balon, isang oras matapos siyang mawala.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nahulog sa kaniyang kamatayan ang 1-anyos na lalaking sanggol sa isang malalim na balon sa Brgy. Cabadiangan, Himamaylan City, Negros Occidental kama­kalawa.

Sa report ni P/Lt. Col. Anthony Grande, hepe ng Himamaylan City, ang biktima ay natagpuang walang malay matapos lumutang ang kanyang katawan sa balon, isang oras matapos siyang mawala.

Base sa imbestigas­yon, pinabantayan ng kaniyang mga magulang sa kanilang 12-anyos na anak na lalaki ang kaniyang 1-anyos na kapatid para kumain sila ng agahan.

Ang bata ay naglalaro sa labas ng kanilang bahay nang iwanan ng kanilang mga magulang sa pangangalaga ng kanilang kuya.

Gayunman, umalis ang kuya at nagtungo sa bahay ng isa niyang kaibigan.

Nang hanapin na ang sanggol, hindi ito matagpuan sa bahay ng kanilang mga kapitbahay.

Samantala, isa nilang kapitbahay na iigib ng tubig ang nakakita sa biktima na lumulutang na sa balon.

Sa teorya ng mga awtoridad, posible umanong naglakad at gumapang ang sanggol hanggang sa mahulog at malunod sa deep well na walang takip.

vuukle comment

ANTHONY GRANDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with