PNP chief Gen. Marbil bumisita muli sa Camarines Sur
LUPI, Camarines Sur, Philippines — Muling personal na binisita kahapon ng umaga ni PNP-chief Gen.Rommel Francisco Marbil ang kahabaan ng Andaya Highway sa Lupi, Camarines Sur upang siguruhin ang magaang daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga motorista at biyahero na pabalik at palabas ng Metro Manila makaraan ang mahabang bakasyon ng holiday season.
Pinuri ni Gen. Marbil si Police Regional Office (PRO)-5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon dahil sa mga hakbang na ginawa para sa seguridad sa buong kahabaan ng highway at banayad na daloy ng trapiko dahil sa mga inilagay na traffic signs at mga pulis.
Ayon kay Marbil, simula kahapon at ngayong araw ang itinuturing nilang “peak season” naman ng mga pabalik sa Kamaynilaan at patungong south dahil sa buhos ng mga pasahero at sasakyan.
Gayunman, laking tuwa ng hepe ng pambansang pulisya na wala na ang kilo-kilometrong pila ng mga sasakyan sa magkabilang lane dahil sa mga hakbang ng PRO-5 katuwang ang iba pang sangay ng pamahalaan.
Sa kabila ng lubak-lubak na kalsada dahil sa rami umano ng mga pulis na inilagay ay wala nang naitalang disgrasya sa naturang kalsada at naiwasan din ang highway robbery.
- Latest